Drug suspect patay sa buy-bust sa Lucena City

By Dona Dominguez-Cargullo March 14, 2019 - 09:31 AM

Police banner
Patay ang siang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust oepration ng mga otoridad sa Lucena City.

Ayon kay Supt. Reydante Ariza, Lucena Police chief, nanlaban ang suspek na si Marvin Meude, 38 anyos nang siya ay aarestuhin na ng mga pulis.

Pinaputukan umano nito ang pulis na dapat ay dadakip sa kaniya, pero hindi ito tumama.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga otoridad at doon na siya napatay.

Nakuha sa kaniyang ang 48 caliber 38 revolver.

Bago ang engkwentro, nagawang makabili ng police agent ng isang gramo ng shabu sa suspek sa Brgy. Cotta.

Si Meude ay nasa listahan ng mga drug personality sa lugar.

Si Meude na ang ikaanim na drug suspect na nasawi sa Lucena City mula noong March 4.

TAGS: drug suspect, Lucena City, Radyo Inquirer, drug suspect, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.