P30M na pangako ng mga kongresista para reward sa Batocabe slay case hindi pa naibibigay ayon kay Pangulong Duterte

Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kongresista na nangakong magbibigay ng P30 million na pabuya para sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally sa Isabela, sinabi nito na base sa kanyang pakikipag-usap kay PNP Chief Oscar Albayalde sinabi nito na hindi pa nila nakukuha ang reward money.

Nahihirapan aniya si Albayalde na kunin ang pera dahil istorya lang pala ang pangakong P30 million.

Ibinida pa ng pangulo na agad na niyang ibinigay sa PNP ang kanyang pangakong P20 million na reward money matapos maaresto ang mga suspek.

“And we express our disgust that even lawmakers are not protected from the criminals. So we’re offering four — 30 — 30 million to those who can provide the information and lead to the arrest of the criminals. So pagkarinig ko niyan, sabi ko rin, “Okay.” Sabi ko 20 ako kasi butal eh, 30. I’ll make it 50. I’ll give 20 million. ‘Di siyempre 50 million, itong pulis ang bilis ng p***** i**. Wala pang 24 oras, huli na lahat. Alam ng pulis. Alam ng pulis ‘yan maski saan. Alam — malaman nila. So kinabukasan, nagkita kami ni Albayalde. Sabi ko, “Sir, ito ‘yung 20 million ko. ‘Yung sa Congress?” “Wala pa, sir.” “Ha?” “Wala pa.” Sabi ko, “Singilin mo.” Ayon sa pangulo.

Umaasa naman ang pangulo na tutuparin ng mga kongresista na tutuparin nila ang kanilang mga pangako.

Matatandaang pinagbabaril si Batocabe ng mga suspek habang dumadalo sa gift giving event sa Daraga, Albay noong December 2018.

Read more...