Iba’t ibang pahayag sa water shortage nakalilito ayon kay Sen. Binay
Pinuna ni Senator Nancy Binay ang magkakaibang pahayag ukol sa nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Giit ni Binay lumilikha ito ng pagkalito sa mga konsyumer.
Banggit nito ang pahayag ng MWSS at PAGASA na sapat pa ang suplay ng tubig sa Angat Dam, taliwas sa sinabi ng Manila Water, samantalang ang Maynilad ay handing mag-supply ng tubig sa kalabang water concessionaire.
Kumukuha ang Maynilad at Manila Water ng ipinagbibili nilang tubig sa Angat Dam.
Ipinunto ni Binay na ang pagkalito ng mga konsyumer ay maaring humantong sa pag-panic at gulo.
Aniya dapat may malinaw na polisiya ang National Water Resources Board sa tuwing nagiging kritikal ang suplay ng tubig bunga na rin ng climate change.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.