Water level sa La Mesa Dam, pinakamababa na sa kasaysayan
Bumaba pa ang antas ng tubig sa La Mesa Dam base sa datos ng PAGASA.
Alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Mar. 14, nasa 68.74 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA Hydrologist Sonia Serano ng ito na ang pinakamababang water level sa naturang dam sa kasaysayan.
Na-break na ang record na lowest water level sa dam noong 1998 na 68.75 meters.
Nangangahulugan ito ayon kay Serano na may kakulangan na talaga ng tubig sa La Mesa Dam.
Sa ngayon patuloy naman aniyang ginagawan ng paraan upang hindi na magpatuloy ang pagbaba pa ng tubig sa dam.
Partikular dito ang ginawang operation adjustments ng Manila Water sa lahat ng kanilang consumers.
Samantala, sa Angat Dam naman, nasa 199.63 ang antas ng tubig ngayong umaga, mas mababa kumpara sa 199.94 meters kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.