Boeing 737 MAX grounded na din sa Amerika

Kabilang na rin ang Estados Unidos sa mga bansang nagpatupad ng suspensyon sa paggamit ng Boeing 737 Max matapos ang aksidente na kinasangkutan ng Ethiopian Airlines.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagpatupad ng ban sa Boeing plane ang US Federal Aviation Administration sa nakalipas na 6 na taon.

Noong 2013 kasi, sinuspinde din ang paggamit sa 787 Dreamliner dahil sa problema sa baterya.

Sa pahayag ng FAA, matapos ang ginawa nilang data gathering at pagkulekta ng ebidensya nagpasya silang suspendihin ang paggamit ng 737 MAX.

Mananatili ang suspensyon habang nag-iimbestiga ang FAA.

Read more...