DOT: Dalampasigan ng Boracay, wala ng lumot

Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) sa publiko na wala ng lumot ang dalampasigan ng Boracay.

Ito ay matapos lumabas ang video ng umanoy pagkakaroon ng lumot sa Station 1 ng Boracay.

Ito ay limang buwan matapos na muling magbukas ang isla makalipas ang ilang buwang rehabilitasyon.

Ayon sa DOT, ang petsa ng naturang footage ay hindi malinaw.

Sinabi ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na wala ng lumot sa naturang tourist destination.

Plano naman ng lokal na pamahalaan ng Malay na ilagay ang buong isla sa ilalim ng “disciplined zone.”

Samantalang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagsabi na ang pagkakaroon ng lumot ay isang natural phenomenon.

Read more...