P500,000 halaga ng ‘kush’ nasabat sa buy bust sa Muntinlupa

By Rhommel Balasbas March 14, 2019 - 04:32 AM

Timbog ang tatlong lalaki sa buy bust operation na isinagawa sa Barangay Putatan, Muntinlupa, Miyerkules ng gabi.

Nagbenta ang tatlong suspek ng P3,000 na halaga ng ‘kush’ o high grade marijuana sa pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Pake-paketeng kush ang nakuha mula sa tatlo na tinatayang nasa P500,000 halaga.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director Police Lt. Col. Eliseo Cruz, high grade ang marijuana dahil sa amoy pa lang ay lubha nang masakit sa ilong.

Galing anya sa Estados Unidos ang naturang mga droga.

Hindi ikinanta ng tatlo ang kanilang supplier ngunit paniwala ng mga pulis, may malaking sindikatong kinabibilangan ang mga suspek.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, high grade marijuana, Kush, Lt. Col. Eliseo Cruz, Muntinlupa, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, high grade marijuana, Kush, Lt. Col. Eliseo Cruz, Muntinlupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.