Duterte hinamon ang human rights groups na imbestigahan ang pagpatay kay Silawan
Napamura si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinapit ng labing anim na toang gulang na si Christine Silawan na pinatay at binalatan ang mukha sa Lapu Lapu City, Cebu.
Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Cauayan City, Isabela, hindi naitago ang kanyang galit sa mga suspek.
Hindi aniya siya naniniwala na kagagawan ng kulto ang pagpatay sa batang estudyante.
Hamon ng Pangulo sa human rights group na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Samantala, hindi rin naitago ng Pangulo ang galit sa mga suspek sa paggahasa sa apat na buwang sanggol at limang taong gulang na bata.
Kasabay nito, humingi naman ng paumanhin si Duterte sa aktres na si Maggie dela Riva na biktima ng panggagahasa dahil sa ginamit niya itoang halimbawa sa kaso ng rape.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.