Lalaki patay sa pamamaril sa QC

Nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Pluto Street malapit sa kanto ng Mindanao Avenue, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Christopher Pilapilan na residente ng Barangay Bahay Toro.

Ayon kay QCPD Station 3 Commander Supt. Alexander Alberto, naglalakad lamang ang biktima nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Gamit sa krimen ang isang kalibre .45 na baril.

Matapos mamaril ay agad tumakas ang suspek patungong Mindanao Avenue nang makitang bumulagta na ang biktima.

Inaalam na ang pagkakakilan ng suspek at kasalukuyang tinitingnan ang mga kuha ng CCTV malapit sa lugar.

Read more...