Abugado patay matapos barilin sa Tagum

By Rhommel Balasbas March 14, 2019 - 04:16 AM

Nasawi sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang abugado sa harap ng isang mall sa Tagum City, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Rex Jasper Lopoz na papasok sana sa kanyang sasakyan nang bigla na lamang itong natumba.

Inakala ng mga tao na inatake lamang sa puso ang biktima pero nang isinugod sa ospital ay napag-alamang binaril ito.

Nagtamo si Lopoz ng isang tama ng bala sa likod na tumagos sa kanyang dibdib.

Bagama’t naisugod pa sa ospital ay idineklarang dead on arrival ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ang pagkamatay ng abugado at hinahanap na rin ang mga nasa likod ng krimen.

Sinabi naman ni Police Lt. Jeffrey Bangcas ng Tagum Police, may mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na hinahawakan si Lopoz.

TAGS: abugado, dead on arrival, mall, patay sa pamamaril, Rex Jasper Lopoz, tagum city, Tagum Police, abugado, dead on arrival, mall, patay sa pamamaril, Rex Jasper Lopoz, tagum city, Tagum Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.