Mga estudyanteng apektado ng water shortage pwedeng pumasok ng hindi naka-uniporme
Maaaring magsuot ng casual clothes ang mga estudyante sa mga lugar na apektado ng water interruptions ayon sa Department of Education.
Ang hakbang na ito ng DepEd ay bilang konsiderasyon sa mga estudyante at guro na walang isusuot na uniporme dahil sa water interruptions na nakaapekto na sa paglalaba.
Epektibo ang adjustment sa school rules tungkol sa uniporme simula ngayong araw ng Huwebes.
Ayon kay DepEd Spokesperson Usec. Analyn Sevilla, pinakaprayoridad ngayon ng kagawaran ay masigurong papasok pa rin ang mga guro at mag-aaral sa eskwelahan.
Hindi anya sususpendihin ang klase dahil lang sa water shortage.
Giit ni Sevilla, hindi solusyon na hindi papasukin ang mga bata dahil kailangan ng mga ito na mahabol ang minimum contact time dahil kung hindi ay magdudulot lang ito ng bagong problema.
Samantala, maaari ring magpatupad na kahalintulad na kautusan ang private schools ayon sa DepEd.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.