MWSS tiniyak sa publiko na tinutugunan ang problema sa water shortage

Iginiit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mayroong short term at long term solutions na isinasakatuparan para sa problema sa demand at supply ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay MWSS administrator Reynaldo Velasco, sapat ang water supply para sa 20 milyong residente ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na 10 hanggang 15 taon.

Ani Velasco, iminungkahi ng MWSS sa National Water Resources Board (NWRB) na payagan ang Manila Water para sa activation ng deep wells na makapagbibigay umano ng 100 million liters ng tubig.

Pangalawa ay ang request ng MWSS sa Maynilad na magbigay ng 50 million liters ng tubig kada araw kabilang ang deployment ng trucks na mapakikinabangan ng mga apektadong kabahayan sa Quezon City, Parañaque at Taguig.

Inutusan na rin umano ng ahensya ang Manila Water na i-activate na ang Cardona treatment plant para makapagbigay ng karagdagang 100 million liters ng tubig.

Sa ngayon anya ay tinitingnan ng MWSS ang mungkahing bumuo ng bagong treatment plant para ma-preserve ang La Mesa Dam bilang water reserve area sa hinaharap.

Read more...