Lalaki arestado sa pagbili ng bus ticket gamit ang pekeng pera

By Rhommel Balasbas March 14, 2019 - 03:53 AM

Timbog ang isang lalaki matapos gumamit ng pekeng pera sa pagbili ng bus ticket sa isang terminal sa Pasay City araw ng Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si Nurhan Nur, 25 anyos.

Ayon sa pulisya, nagsumbong ang kahera ng bus terminal sa mga awtoridad matapos magbayad ng pekeng pera si Nur.

Dito na nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis at narekober mula sa suspek ang samu’t saring pekeng P1,000, P500, P200, P50 money bills.

Aabot sa P48,500 ang pekeng pera ng suspek.

Mahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o ang illegal possession and use of false treasury or bank notes and other instruments of credit.

 

 

TAGS: busk ticket, kahera, lalaki, Pasay City, pekeng pera, Revised Penal Code, terminal, busk ticket, kahera, lalaki, Pasay City, pekeng pera, Revised Penal Code, terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.