Kris Aquino kay Nicko Falcis: ‘Just in case you miss me’

By Len Montaño March 14, 2019 - 03:39 AM

Screengrab of Kris Aquino video

Nagpost si Kris Aquino ng slideshow ng mga litrato nila ng dating business manager nitong si Nicko Falcis sa gitna ng mga kasong isinampa nila sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram ay makikita ang iba’t ibang larawan ni Kris kasama si Falcis.

 

View this post on Instagram

 

Nicko, i only wanted to check on you, after all no matter this unfortunate ending, we actually did build SOMETHING to be proud of… tumingin lang ako sa IG mo, BLOCK agad? How sad… Just in case you miss me- edited a video to refresh your memory. ❤️❤️❤️

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on Mar 13, 2019 at 2:16am PDT

Ayon sa actress-host, gusto lang nitong malaman ni Nicko na sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanila ay may nagawa sila na dapat nilang ipagmalaki.

Gumawa si Kris ng edited video ng mga litrato nila ni Falcis para raw marefresh ang memorya nito.

Ikinalungkot ni Tetay na tumingin lang daw ito sa Instagran ng dating business manager ay block na agad siya.

Makikita sa video ang mga larawan ng dalawa habang nasa meeting, biyahe, photo shoot at iba pang okasyon.

Sa post naman ng mga kaptid ni Falcis, pinatutsadahan nila si Kris sa naging post nito.

Ayon kay Jesus Falcis, si Kris ang unang nagblock sa kanyang kuya na si Nicko. Nagtataka umano ito kung anong droga o gamot ang tinira ni Kris at nagawa nito ang post.

Nirepost din ni Nicko ang IG story ng kanyang kapatid na si Sharlene kung saan nakasaad na tila maraming nilaklak na pills si Kris.

Una rito ay inanunsyo ng kampo ni Kris ang resolusyon ng Taguig prosecutor na may probable cause para kasuhan ng estafa ni Falcis.

TAGS: estafa, IG story, Instagram, Kris Aquino, litrato, Nicko Falcis, post, video, estafa, IG story, Instagram, Kris Aquino, litrato, Nicko Falcis, post, video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.