NLEX tinalo ang Alaska kahit thrown out si Guiao

Credit: Tristan Tamayo, Inquirer.net

Nagpamalas ang NLEX ng “pivotal run” sa ikalawang kwarter para talunin ang Alaska sa 2019 PBA Philippine Cup sa score na 91-70 Miyerkules ng gabi.

Gumawa si JR Quiñahan ng back to back triples sa 14-5 run ng Road Warriors sa second quarter ng laro.

Naganap ang pamamayagpag ng koponan matapos na ma-thrown out sa laban ang kanilang coach na si Yeng Guiao sa 5:19 minuto ng ikalawang kwarter.

Si Guiao ay pinalitan ni NLEX deputy coach Jojo Lastimosa.

Nagtapos si Quiñahan sa score na 14 points, pitong rebounds, apat na steals at tatlong steals para sa ikatlong panalo ng team sa walong laban.

Si Jeron Teng naman ang nanguna sa Alaska na gumawa ng 23 points at sampung rebounds.

Hindi nakapaglaro sina Vic Manuel, Kevin Racal at JVee Casio dahil sa mga injury.

Read more...