Facebook, Messenger at Instagram outage, naranasan sa iba’t ibang bansa
Nakaranas ng outage o technical difficulty ang mga users ng social media sites na Facebook, Messenger at Instagram sa iba’t ibang bahagi ng mundo Huwebes ng umaga.
Sa report ng Downdetector, isang website kung saan nagrereport ng mga problema sa mga applications at websites, ilan sa naranasan ng mga users ay problema sa pag log in sa kanilang account, hindi makapag-post, makapag-komento, picture at video post at share.
Maraming users ang nakaranas din ng mensahe na nagsabing kasalukuyang “down for maintenance” ang naturang social media sites.
Ayon naman sa Facebook, alam nila ang nararanasang problema ng kanilang accounts users at nireresolba na nila umano ang problema.
Hanggang sa mga oras na ito ay wala namang pahayag ukol sa dahilan ng naturang outage na naranasan ng mga users sa Estados Unidos, Europe at Asia.
Nag-trending naman ang hashtag #Facebookdown sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.
Sa gitna ng problema sa nasabing mga sites ay ang Twitter ang naasahang social media sa paghahatid ng mabilis na impormasyon ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.