SWS: Bilang ng adult Filipinos na gumagamit ng internet lumobo sa 47%

By Rhommel Balasbas March 14, 2019 - 02:40 AM

Halos kalahati na ng kabuuang bilang ng adult Filipinos o 47 percent ang gumagamit ng internet batay sa resulta ng 4th quarter 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas araw ng Miyerkules.

Mas mataas ang naturang bilang ng anim na puntos o sa 41 percent na naitala noong September 2018.

June 2006 nang magsimula ang survey ng SWS tungkol sa internet usage ng Filipino adults na noo’y 8 percent lamang ngunit patuloy ang naging pagtaas at ngayon ay record-high na sa 47 percent.

Pinakamataas ang bilang ng internet users sa Metro Manila sa 59 percent ngunit mas mababa ito sa 64 percent noong September 2018.

Sumunod ang Balance Luzon sa 56 percent, Visayas sa 35 percent at Mindanao sa 32 percent.

Lumalabas din sa survey na pinakamalaki ang internet usage sa mga Filipino edad 18 hanggang 24 na nagtala ng 88 percent.

Mas marami namang mga babae ang gumagamit ng internet o 49 percent kaysa sa mga lalaki sa 44 percent.

Matatandaang batay sa isang report ng ‘We Are Social’ noong Enero, ang mga Filipino rin ang numero unong social media users sa buong mundo.

TAGS: ‘We Are Social’, 4th quarter 2018 survey, Internet, internet usage, record high, social media users, SWS, ‘We Are Social’, 4th quarter 2018 survey, Internet, internet usage, record high, social media users, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.