Magnitude 4.0 na lindol naitala sa Baganga, Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Baganga sa lalawigan ng Davao Oriental Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig alas 2:03 kaninang umaga.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang ahensya na pinsala sa ari-arian.

Wala ring aasahang aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...