BREAKING: 10 patay, 10 sugatan sa pamamaril sa eskwelahan sa Brazil

By Len Montaño March 13, 2019 - 11:47 PM

AP photo

Dalawang lalaki na naka-hood ang namaril sa isang eskwelahan sa Brazil na ikinamatay ng walong katao saka nagpakamatay ang mga suspek.

Naganap ang pamamaril sa isang public school sa Suzano sa Sao Paulo.

Ayon kay Sao Paulo Governor Joao Doria, ang mga namaril ay nasa pagitan ng 20 at 25 anyos.

Inaaalam pa kung ang mga suspek ay mga dating estudyante ng paaralan.

Kabilang sa mga namatay ay dalawang guro at anim na estudyante.

Hindi naman bababa sa sampu katao ang sugatan at dinala sa mga ospital.

TAGS: Brazil, eskwelahan, estudyante, guro, naka-hood, namaril, Pamamaril, patay, public school, Sao Paulo, sugatan, Brazil, eskwelahan, estudyante, guro, naka-hood, namaril, Pamamaril, patay, public school, Sao Paulo, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.