Pulisya: Walang “shoot to kill” order sa pumatay kay Christine Silawan

By Len Montaño March 13, 2019 - 11:27 PM

Credit: Tonee Despojo, CDND

Nilinaw ng pulisya sa Lapu Lapu City, Cebu na walang “shoot to kill” order laban sa mga pumatay sa 16 anyos na si Christine Silawan.

Si Silawan ang pinatay, binalatan ang mukha at itinapon ang bangkay nito sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal noong March 11.

Ayon kay Sr. Insp. Limuel Obon, director ng Lapu Lapu City Police Office, nais nila na buhay na maaresto ang mga suspek.

Sa ngayon ay tinutugis ng pulisya ang pangunahing suspek at mga kasabwat nito sa brutal na krimen.

Ang utos ni Obon sa mga tauhan, dapat na buhay maaresto ang mga suspek. Kung manlaban at mamaril ang mga ito ay mag-cover anya ang mga pulis.

Nais ng pulisya na sumuko ang mga kriminal at harapin ang kaso.

Tumanggi si Obon na pangalanan ang main suspect pero ito anya ay lalaki na huling nakapalitan ng dalagita ng mensahe.

Mayroon anyang nakabinbin na kasong murder ang lalaki pero hindi kumpirmado kung may romantikong ugnayan ito sa biktima.

Samantala, nais din ng pamilya Silawan na mahuli ng buhay ang mga suspek.

Nais ng kapatid ni Christine na si Lousiline na maghirap sa kulungan ang mga suspek.

TAGS: binalatan ang mukha, buhay, Christine Silawan, Lapu Lapu City Police Office, pinatay, shoot to kill, Sr. Insp. Limuel Obon, binalatan ang mukha, buhay, Christine Silawan, Lapu Lapu City Police Office, pinatay, shoot to kill, Sr. Insp. Limuel Obon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.