Cloud seeding sa Bulacan, Pampanga at Rizal wala pang go signal

By Angellic Jordan March 13, 2019 - 09:37 PM

Hindi pa ikakasa ng Philippine Air Force (PAF) ang cloud seeding operations sa bahagi ng Bulacan, Pampanga at Rizal.

Ayon kay Maj. Aristides Galang Jr., tagapagsalita ng PAF, hinihintay pa ang go signal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ipinag-utos kasi ni Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa DA regional offices ang cloud seeding operation bilang aksyon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Sa ngayon, patuloy pa aniya ang pag-uusap ng DA at PAF kaugnay sa nasabing operasyon.

Oras na maaprubahan, ikokonsidera pa aniya ang kondisyon ng panahon.

Aayusin din aniya ang mga aircraft requirement at bilang ng mga tauhan na magsasagawa ng operasyon.

Gayunman, inihayag ni Galang na handa ang Air Force oras na maaprubahan ito.

TAGS: AFP, Agriculture Sec. Manny Piñol, Bulacan, cloud seeding, DA, go signal, PAF, Pampanga, panahon, Rizal, supply ng tubig, AFP, Agriculture Sec. Manny Piñol, Bulacan, cloud seeding, DA, go signal, PAF, Pampanga, panahon, Rizal, supply ng tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.