DOH: Kaso ng tigdas mahigit 18,000 na; namatay umabot na sa 286

By Angellic Jordan March 13, 2019 - 09:29 PM SHARE(S):

Pumalo na sa mahigit 18,000 ang naitalang kaso ng tigas sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng kagawaran, nasa kabuuang bilang na 18,553 ang kaso ng tigas sa bansa mula January 1 hanggang March 7, 2019.

Sa naturang bilang, 286 rito ang bilang ng mga nasawi sa kaparehong petsa.

Sinabi pa ng DOH na nananatili pa ring pinakaapektado ng nasabing sakit ang mga batang may edad 1 hanggang 4.

Noong nakaraang taon, nasa 3,829 lamang ang naitalang kaso sa bansa kasama ang 39 nasawi.

TAGS: bata, doh, Health, kaso, namatay, pumalo na, sakit, tigdas, bata, doh, Health, kaso, namatay, pumalo na, sakit, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.