EU at Belgium inihinto ang pagbibigay ng pera sa ilang front organization ng CPP
Pumayag na ang European Union at Belgium na pansamantalang itigil na muna ang pagbibigay ng pondo sa mga non-governerment organization sa bansa na nagsisilbing front ng Communits Party of the Philippines.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations BGen. Antonio Parlade na base sa pagdalo nila ng forum sa high level segment of the 40th Human Rights Council sa Europe ay nakumbinsi nila ang EU at Belgium na huwag na munang bigyan ng pondo ang mga NGOs.
Kinabibilangan ito ng mga kaalyadong samahan ng CPP na Ibon Foundation, Kilusang Mayo Uno at Karapatan.
Sa ngayon, nanangangalap na aniya ng karagdagang ebdiensya ang kanilang hanay para tuluyang maipatigil ang pagbibigay ng pondo sa mga natukoy na NGOs na kilala naman sa bansa na front lamang ng komunistang grupo.
Ayon kay Parlade, sa nakalipas na limang taon, may pitong organisasyon na ang nabigyan ng tatlong milyong Euros.
Bukod pa ito sa ibinigay ng EU na 32 million Euros sa ilang umano’y inakala nilang mga rural missionaries sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.