Water sharing sa pagitan ng Maynilad at Manila Water Co. plantsado na

Inquirer file photo

Anumang araw mula ngayon ay mabibigyan na ng tubig ng Maynilad Water Services Inc. ang ilang mga consumer ng Manila Water Co.

Sinabi ni Manila Water Co. Corporarte communications head, Jeric Sevilla na ilang mga technical adjustments na lamang ang gagawin para sa tinatawag na water sharing.

Ipinaliwanag ni Sevilla na aabot sa 50 million liters per day ng tubig ang ilalaan ng Maynilad para sa mga consumers ng Manila Water Co.

Nauna dito ay sinabi ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nakahanda ang Maynilad na magbigay ng bahagi ng kanilang tubig sa mga kliyente ng Manila Water Co. hanggang sa kakayanin ng kanilang sistema.

Magugunitang sinabi ng Manila Water Co. na posibleng umabot pa sa hanggang sa buwan ng Hunyo ang kakapusan ng suplay ng kanilang tubig para sa mga consumer dahil sa mababang water level sa La Mesa Dam.

Ang Maynilad Water Services Inc. kumukuha ng kanilang raw water sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan.

Read more...