Malacañang nanawagan sa Senado at Kamara na magkasundo sa nat’l budget

By Chona Yu March 13, 2019 - 04:43 PM

Inquirer file photo

Umaapela ang Malacañang sa dalawang kapulungan ng kongreso na itigil na ang patigasan sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na isaalang alang ng mga mambabatas ang kapakanan ng taong bayan at para makausad na rin ang gobyerno.

Dahil sa reenacted budget, naantala na ang serbisyo ng pamahalaan kabilang na ang pagkaantala ng umento sa sahod ng mga mangagagawa sa gobyerno.

Ayon kay Panelo, ginawa na ng ehekutibo ang tungkulin nito nang maagang isumite ang panukalang budget.

Sinabi ng opisyal na kapag naisumite na sa Office of the President ang enrolled bill, bubusisiin ng husto ni Pangulong Duterte ang bawat item nito at sisiguraduhing naayon sa constitutional demands.

Magugunitang kagabi ay pinulong ng pangulo ang liderato ng Kamara at Senado para maayos ang kanilang hindi pagkakasundo sa national budget.

TAGS: Arroyo, duterte, national budget, panelo, Sotto, Arroyo, duterte, national budget, panelo, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.