Nananawagan sa mga katoliko si Atty. Romy Macalintal na mag-alsa laban sa mga banta sa simbahang katolika at mga pari.
Sa pulong balitaan ng Otso Diretso sa Quezon City, sinabi ni Macalintal na kahit hindi siya manalo sa pagka-senador sa susunod na hahalan ay ayos lang basta’t naipagtanggol niya ang simbahan laban sa mga paninira.
Sakaling dumating ang oras at makaharap na niya ang panginoon ay sinabi ni Macalintal na hindi siya mahihiyang kausapin ito.
“Lord hindi ako naging Senador dahil ipinaglaban Kita at ang mga aral mo, ang ating simbahan at mga kaparian.” Kaysa sabihin kong “Lord naging Senador ako dahil itinakwil ko ang mga aral mo, ang ating simbahan at mga kaparian,” pahayag pa ng kilalang election lawyer.
Si Macalintal kasama ng ilang kandidato sa pagka-senador ng Otso Diretso ay humarap sa media kanilang umaga para ipaliwanag ang kanilang 8-point agenda sakaling manalo sa darating na halalan sa Mayo.