Fire hydrants sa Mandaluyong apektado na rin ng kakulangan ng suplay ng tubig

By Rose Cabrales March 13, 2019 - 01:07 PM

Apektado na rin ng kakulangan ng suplay ng tubig ang mga fire hydrants sa Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong City fire volunteers, halos paubos na rin ang lamang tubig ng fire hydrants sa Barangay Highway Hills.

Ang mga fire hydrants ay ang pinagkukuhanan ng tubig ng mga trak ng bumbero para sa pag-apula ng sunog.

Natuklasang paubos na ang suplay ng tubig sa fire hydrants nang makiusap ang mga residente sa lugar na doon muna kumuha ng tubig pero nang buksan ang mga ito, nadiskubre nilang mahina ang pressure at may kakaibang amoy ang tubig.

Nagulantang ang mga residente noong Linggo sa ipinatupad na umano’y walang abisong water interruption ng Manila Water

Ayon sa Manila Water, mahigit 50,000 kabahayan ang kasalukuyang walang ng tubig dahil sa kakulangan ng suplay.

TAGS: Barangay Highway Hills, Fire hydrants, kakulangan ng suplay ng tubig, manila water, Barangay Highway Hills, Fire hydrants, kakulangan ng suplay ng tubig, manila water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.