MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar warrior of peace ayon sa Malakanyang

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pamilya at mga kaibigang naulila ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chairman Ghazali Jaafar.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, maituturing na warrior of peace si Jaafar.

Maraming giyera na aniyang sinuong si Jaafar para lamang makamit ang kapayapaan.

Ayon kay Panelo, nawa’y pagpalain ng makapangyarihan at mahabaging si Allah ang yumaong si Jaafar.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jaafar bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Pumanaw si Jaafar sa edad na 75 dahil sa cardiovascular disease.

Read more...