Mga taong simbahan na bumabanat sa gobyerno dapat bigyan proteksyon ayon kay Sen. Sonny Angara
Hiniling ni Senator Sonny Angara sa PNP na gawing prayoridad ang pagbibigay proteksyon sa mga kritiko ng gobyerno, kasama na ang mga taong-Simbahan, na nagsasabing may pagbabanta sa kanilang buhay dahil sa pagbatikos sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Aniya kung dapat may protektahan, ang mga ito ang mga kritiko ng gobyerno para ipakita na umiiral ang demokrasya sa bansa at pinahahalagahan ang freedom of speech and expression.
Ang pahayag na ito ni Angara ay bunsod ng pagbubunyag ng mga Katolikong pari na sina Albert Alejo, Flavie Villanueva at Robert Reyes na nakatanggap sila ng ng text threats.
Bago pa ito, nakatanggap din ng mga katulad na pagbabanta si Caloocan Bishop Pablo David, isa sa mga kilalang kritiko ng kampanya kontra droga.
Sinabi ni Angara nakakabahala ang mga death threats sa mga pari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.