Ilang pulis Cavite huli sa aktong natutulog habang naka-duty

By Jimmy Tamayo March 13, 2019 - 10:57 AM

Nahaharap sa reklamong neglect of duty ang ilang pulis sa Cavite na nahuling natutulog sa oras ng kanilang duty.

Sa surpresang inspeksyon ni Cavite Police Provincial Office director Police Colonel William Segun naaktuhan nito na bagong gising ang kumander ng Bacao Police Community Precinct sa General Trias.

Bukod sa hepe ng presinto na gulo pa ang buhok at gusot-gusot ang uniporme ng dumating si Segun maging ang dalawang tauhan nito ang nasa aktong kagigising lang.

Huling-huli din ni Segun na naghihilik pa ang tauhan ng Rosario Police Station at kahit na kinuha ang baril nito ay hindi pa rin nagising.

Katwiran ng hindi pinangalanang pulis masama umano ang kaniyang pakiramdam.

TAGS: aktong natutulog habang naka-duty, Ilang pulis Cavite, neglect of duty, aktong natutulog habang naka-duty, Ilang pulis Cavite, neglect of duty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.