Pagkamatay ng isang plebo, walang kinalaman sa ROTC program

By Ricky Brozas March 13, 2019 - 11:01 AM

Ipinauubaya na lamang ng pamunuan ng Philippine Army ang usapin sa pagkamatay ng isang kadete na unang napabalita na kagagawan ng isang opisyal ng ROTC.

Ayon kay Lt. Col. Dem Zagala, chief ng Public Affairs ng Philippine Army, hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang insidente ng pagkakapaslang kay Willy Amihoy.

Si Amihoy ay natagpuang patay sa loob ng kubeta sa dormitoryo ng State College of Fisheries-Dumangas Campus (ISCOF-DC) noong Lunes, Marso 11.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Zagala na walang kinalaman ang ROTC sa insidente lalo na at hindi na opisyal ng ROTC na si Elmer Decilao.

Naniniwala si Zagala na personal na away ang namagitan sa suspek at sa biktima, na ang tanging makapagbibigay ng linaw ay ang ginagawa ngayon na imbestigasyon ng PNP.

Umapela si Zagala sa publiko na pagtiwalaan ang pulisya upang madetermina kung sino ang responsable sa krimen.

Dagdag pa ni Zagala, walang kinalaman sa ROTC program ang insidente lalo pa at sentro ng pagtuturo nito ang pagiging responsableng mamamayan, disiplinado.

TAGS: chief ng Public Affairs ng Philippine Army, Lt. Col. Dem Zagala, Philippine National Police, ROTC program, State College of Fisheries-Dumangas Campus (ISCOF-DC), Willy Amihoy, chief ng Public Affairs ng Philippine Army, Lt. Col. Dem Zagala, Philippine National Police, ROTC program, State College of Fisheries-Dumangas Campus (ISCOF-DC), Willy Amihoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.