4 lalaki at isang buntis, arestado sa buy bust sa QC

By Len Montaño March 13, 2019 - 05:11 AM

Arestado ang isang buntis at apat na lalaki sa buy bust operation sa Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Huli ang isang buntis sa operasyon kontra droga sa Tandang Sora.

Tinangka pa umano ng buntis na itago ang isang sachet ng shabu sa kanyang 13 anyos na anak.

Nabatid na limang buwan buntis na ang suspek pero gumagamit pa ito ng droga.

Nang maaresto ay ininguso ng buntis ang tatlong lalaki na sangkot din sa pagtutulak ng droga.

Nakuha sa tatlo ang walong sachet ng shabu.

Samantala, sa Barangay Vasra, arestado rin ang isang lalaki na nagbebenta ng droga.

Nakumpiska sa suspek ang apat an sachet ng shabu.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buntis, buy bust, gumagamit ng droga, pagtutulak ng droga, quezon city, shabu, buntis, buy bust, gumagamit ng droga, pagtutulak ng droga, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.