Maulap na panahon, iiral sa ilang lugar sa Hilagang Luzon
Nakakaapekto ang frontal system sa Hilagang Luzon base sa Pagasa weather report Miyerkules ng umaga.
Sa 4a.m. advisory, iiral ang maulap na panahon sa Batanes at Cagayan na may light rains habang ang Isabela at Aurora ay partly cloudy hanggang cloudy skies ang asahan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maulap din ang panahon ngayong araw.
Asahan naman ang katamtaman hanggang malakas na hangin sa direksyong northeastward habang ang coastal waters ay moderate to rough.
Katamtaman hanggang malakas na hangin din ang mararanasan sa natitiran bahagi ng bansa habang ang coastal waters ay mahina hanggang katamtaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.