Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

By Rhommel Balasbas March 13, 2019 - 04:37 AM

Contributed photo

Nasawi sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang lalaki sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng blue t-shirt at jersey short at  tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos.

Ayon sa Purok Leader sa nasabing lugar na si Marife Dela Cruz, hindi bababa sa anim na putok ang kanilang narinig at dito na tumambad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng lalaking biktima.

Isang suspek na sakay ng motorsiklo ang umano’y namaril sa biktima.

Dayo lamang umano ang biktima sa lugar na naglalaro lamang ng cara y cruz sa isang burol.

Ayon sa inisiyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa ulo, braso at tagiliran.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala.

TAGS: blue t-shirt, Brgy. Batasan Hills, cara y cruz, jersey short, patay sa pamamaril, quezon city, SOCO, blue t-shirt, Brgy. Batasan Hills, cara y cruz, jersey short, patay sa pamamaril, quezon city, SOCO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.