Magnolia at Columbian, maghaharap sa crucial match mamaya

Maghaharap mamayang gabi ang Magnolia at Columbian para sa crucial match sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang sagupaan ng dalawang koponan alas 4:30 ng hapon na susundan ng main game sa pagitan ng NLEX at Alaska.

Mahalaga ang laban ng dalawang teams dahil ang Magnolia ay target ang ikatlong panalo para makaabante sa playoffs.

Habang ang Columbian ay nais ang unang back to back win ngayong season.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, do or die ang laban para sa kanila dahil sa kanilang sitwasyon.

Naniniwala naman si Dyip coach Johnedel Cardel na kailangan nila ang depensa para manalo.

Read more...