Tagle, natitirang Filipino cardinal na makaboboto sa papal election
Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na lamang ang natitirang Filipino cardinal na makaboboto sa eleksyon para sa susunod na Santo Papa.
Ito ay matapos ipagdiwang ni Cotabato Archbishop Cardinal Orlando Quevedo ang kanyang ika-80 kaarawan noong Lunes, March 11.
Ang mga cardinal edad 79 pababa lamang ang maaaring makilahok sa conclave.
Samantala, bilang isang cardinal-elector si Tagle na 61 anyos pa lamang ay awtomatiko pa ring maikokonsiderang kandidato para sa pagka-Santo Papa.
Matatandaang noong 2013, kasama si Tagle sa conclave na humalal kay Pope Francis.
Sa ngayon, mayroong tatlong living cardinals ang Pilipinas kasama si Cardinal Gaudencio Rosales na 86 anyos.
Gayunman, sina Rosales at Quevedo ay hindi nagkaroon ng oportunidad na makasama sa conclave na hahalal para sa bagong Santo Papa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.