Registration para sa National ID magsisimula na sa Setyembre

By Rhommel Balasbas March 13, 2019 - 03:38 AM

Inanunsyo ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na magsisimula na ang unang batch ng registration para sa implementasyon ng National Identification System sa Setyembre.

Sa panayam ng media kahapon, araw ng Martes, sinabi ni Arroyo na ‘all systems go’ na ang national ID system batay sa timeline ne iprinisenta sa kanya.

Ipinaalam kay Arroyo ng House oversight committee on population and family relations ang developments para sa national ID system.

Isang hearing ang ginanap sa Dumaguete City kasama ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ang principal author ng batas na si Rep. Arnie Teves at dito sinabing ilalabas na ang first batch ng national IDs sa Setyembre.

Ayon kay PSA deputy national statistician Atty. Lourdines dela Cruz, ang unang batch na naka-schedule na magparehistro ay indigents, persons with disabilities (PWDs), at ilang government workers.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11055 o Philippine Identification System noong August 2018.

TAGS: all systems go, House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, national ID system, Philippine Identification System., Philippine Statistics Authority, RA 11055, registration, Rep. Arnie Teves, Setyembre, unang batch, all systems go, House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, national ID system, Philippine Identification System., Philippine Statistics Authority, RA 11055, registration, Rep. Arnie Teves, Setyembre, unang batch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.