Buong Zamboanga Sibugay isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

By Rhommel Balasbas March 13, 2019 - 03:14 AM

File photo

Dahil sa epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura ay isinailalim na ang buong lalawigan ng Zamboanga Sibugay sa state of calamity kahapon, araw ng Martes.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma, 13 sa 16 na bayan na ang nagsumite ng damage reports sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Batay sa ulat, nagtamo ang mga bayan ng pinsala sa produksyon ng bigas na aabot na sa P100 milyon.

Hindi pa kasama sa isinumiteng ulat ang pinsala sa iba pang high-value crops tulad ng mais at cacao.

Inaasahang lalaki pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa 16 na bayan ng Zamboanga Sibugay dahil patuloy ang isinasagawang ebalwasyon sa pinsala.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity ay magagamit na ang P20 milyon calamity fund kung saan ang bahagi ay ibibili ng seedlings na ibibigay sa mga apektadong magsasaka.

Nag-oorganisa na rin ang local government ng food-for-work program para sa higit 30,000 apektadong magsasaka.

Nakatakda rin umanong irekomenda ni Palma ang cloud-seeding operation sa buong probinsya para madagdagan ang level ng tubig sa mga ilog.

Ang Zamboanga Sibugay ay isa sa pinakamalaking producer ng bigas sa Western Mindanao.

TAGS: cacao, calamity fund, damage reports, El Niño, food for work program, high-value crops, mais, P100 milyon, PDRRMO, sektor ng agrikultura, State of Calamity, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma, cacao, calamity fund, damage reports, El Niño, food for work program, high-value crops, mais, P100 milyon, PDRRMO, sektor ng agrikultura, State of Calamity, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.