Fecal coliform level sa isang estero malapit sa Manila Bay, malaki ang ibinaba

By Rhommel Balasbas March 13, 2019 - 01:48 AM

Mula sa higit 1 billion most probable number (mpn) ay naging 300 million mpn na lamang ang fecal coliform level sa Estero de San Antonio de Abad sa Maynila.

Ito ay sa gitna ng umaarangkadang pagsasaayos sa mga estero sa paligid ng Manila Bay na bahagi ng rehabilitasyon ng dagat.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang malaking improvement sa lagay ng tubig sa Estero de San Antonio de Abad ay dahil sa pagsasara sa Manila Zoo at commercial establishments sa lugar.

Gayunman, ang 300 million mpn ay lubhang napakalayo pa rin sa katanggap-tanggap na 100 mpn level.

Samantala, umaasa ang DENR na mas gaganda pa ang lagay ng naturang estero matapos mailagay ang septic tank para sa mga dumi ng informal settlers na nakatira sa paligid nito.

Sa pagbisita ni Environment Secretary Roy Cimatu sa Estero de Santonio de Abad araw ng Martes, sinabi nitong ang paglalagay ng septic tank ay habang hindi pa naililipat ang informal settlers sa kanilang permanenteng relocation sites.

Donasyon ang septic tank pati ang mga tubo na na ikinonekta sa mga bahay ng informal settlers.

TAGS: DENR, Environment Secretary Roy Cimatu, estero, Estero de San Antonio de Abad, fecal coliform level, Manila Bay, Manila Zoo, septic tank, DENR, Environment Secretary Roy Cimatu, estero, Estero de San Antonio de Abad, fecal coliform level, Manila Bay, Manila Zoo, septic tank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.