Suplay ng tubig sa mga ospital tiniyak ng Manila Water
Tiniyak ng Manila Water sa Department of Health (DOH) na mayroong sapat na suplay ng tubig sa mga ospital sa gitna ng water interruptions na nararanasan ngayon ng customers sa East Zone.
Sa isang press conference araw ng Martes, sinabi ni Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio na ‘top priority’ ng kanilang kumpanya ang mga ospital.
Ibinahagi pa ni Carpio na personal na tumungo sa kanyang tanggapan si Health Secretary Francisco Duque III para humingi ng katiyakan na may sapat na suplay ng tubig sa mga ospital.
Ikinatuwa umano niya ang biglaang pagbisita ni Duque at tinawag itong kahanga-hanga.
Samantala, isa umano sa mga napag-usapan nina Carpio at Duque ay ang pagpapadala ng water tankers sa Rizal Medical Center.
Inaalam na ang daily consumption ng naturang ospital para sa ipadadalang water tankers.
Ang Manila Water ay ang concessionaire ng halos kabuuan ng East Zone o mga lungsod sa Silangang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.