M3.9 na lindol yumanig sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.9 ang bahagi ng Davao Oriental alas-11:53 gabi ng Martes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 79 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Baculin.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman inaasahang nakapagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...