Kathryn Bernardo at Alden Richards, magkakasama sa pelikula

By Len Montaño March 13, 2019 - 12:49 AM

Sa kabila ng pagiging magkaribal ng kani-kanilang networks, magkakasama sa isang pelikula sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang pagsasama nina Kathryn at Alden sa pelikula ay inanunsyo ng Star Cinema.

Sa tweet ng Star Cinema ay sinabi na ang pelikula ng dalawa ay sa ilalim ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Makikita sa mga litrato ng story conference na kasama nina Kathryn at Alden si Direk Cathy.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa pelikula ang dalawa at first time naman ni Alden na makaka-trabaho ang batikang direktor.

Inaasahang ilalabas ang pelikula ng dalawa ngayong taon.

Huling pelikula ni Kathryn ang “The How’s of Us” kasama si Daniel Padilla at kay Alden naman ay “Imagine You and Me” kasama si Maine Mendoza.

TAGS: ALden Richards, Direk Cathy Molina, Kathryn Bernardo, pelikula, Star Cinema, ALden Richards, Direk Cathy Molina, Kathryn Bernardo, pelikula, Star Cinema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.