2 sugatan sa sunog sa Sta. Ana, Manila

By Angellic Jordan March 12, 2019 - 11:39 PM

Screengrab of Jimmy Eslao FB video

Sugatan ang dalawa katao sa sumiklab na sunog sa Santa Ana, Maynila Martes ng hapon.

Nagtamo ang biktimang si Tristan Pampillo, 33-anyos, ng first degree burn sa kaniyang kaliwang kamay habang sa bahagi ng kaniyang hita at kamay naman si Gomer Morales, 67-anyos.

Itinaas sa ikalawang alarma at sunog at tuluyang naapula bandang 3:30 ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang sunog sa bahay ng isang pamilya Castrillo.

Sa Facebook video ni Jimmy Eslao, mapapanood ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog.

Malaking apoy at malakas na usok ang nagmula sa mga nasusunog na bahay.

Tatlong bahay ang naapektuhan dahil sa sunog.

TAGS: BFP, first degree burn, Gomer Morales, ikalawang alarma, manila, Sta. Ana, sugatan, sunog, Tristan Pampillo, BFP, first degree burn, Gomer Morales, ikalawang alarma, manila, Sta. Ana, sugatan, sunog, Tristan Pampillo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.