7 Chinese nationals, arestado dahil sa pagdukot sa kababayan
Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese nationals dahil sa pagdukot sa isang kapwa-Chinese sa Parañaque, araw ng Martes.
Nakilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Luo Gen Jin, Cheng Yiguo, Liu Shenghui, Deng Shuijin, Xiong Jinxiang, Xiong Jongpeng at Xiong Jilong.
Hinuli ang mga suspek matapos makatanggap ang NBI ng reklamo mula sa kapatid ng kidnap victim na si Jian Shi Lun.
Sinabi ni Lun sa mga otoridad na na-kidnap si Jian Shi Xin sa isang gaming facility sa Parañaque.
Dagdag pa nito, kinulong ang biktima sa isang condominium unit sa Maynila.
Pinayagan naman umanong tumawag ang biktima sa kaniyang kamag-anak para humingi ng P200,000 na ransom.
Noong March 10, nadiskubre ng mga tauhan ng NBI ang hideout ng mga suspek.
Mahaharap naman sa kaso ang mga naarestong Chinese national.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.