P100,000 pabuya sa ikadarakip ng 3 suspek sa pagpatay sa dalagita sa Lapu Lapu City

By Len Montaño March 12, 2019 - 10:46 PM

Naglabas ang pulisya ng P100,000 na pabuya sa makakapagturo ng kinaroroonan ng tatlong suspek sa brutal na paggahasa, pagpatay at pagbalat sa mukha ng isang 16 anyos na babae sa Lapu Lapu City, Cebu.

Ayon kay Sr. Supt. Limuel Obon, hepe ng Lapu Lapu City Police, kilala na nila ang mga pumatay kay Christine Silawan batay sa testimonya ng mga testigo.

Pero hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang patuloy ang pagtugis sa kanila.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsilbing kolektor sa misa si Silawan pero hindi na ito nakauwi.

Batay sa kwento ng testigo, tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo ang nagdala sa biktima sa Sitio Mahayahay.

Lumabas sa autopsy na nagtamo ang dalagita ng 20 saksak habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri na magkumpirma kung ginahasa ito.

Nakiusap naman ang ina ng biktima na si Lourdes Silawan na huwag nang ikalat ang litrato ng kanyang anak.

Una nang nagpaalala ang Department of Education sa Lapu Lapu City Schools Division Office na paigtingin ang seguridad sa mga eskwelahan sa syudad.

TAGS: 000, cebu, Christine Silawan, kolektor sa misa, Lapu-Lapu City, Lourdes Silawan, P100, pabuya, pagbalat sa mukha, paggahasa, pagpatay, 000, cebu, Christine Silawan, kolektor sa misa, Lapu-Lapu City, Lourdes Silawan, P100, pabuya, pagbalat sa mukha, paggahasa, pagpatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.