Panelo: Ombusdman dapat pa ring imbestigahan si Balutan

By Den Macaranas March 12, 2019 - 07:18 PM

Inquirer file photo

Nanindigan si Presidential Spokesman Salvador Panelo na mas makabubuti pa ring imbestigahan ng Office of the Ombudsman ang sinasabing katiwalian sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ay makaraang ituwid ng palasyo na nagbitiw sa kanyang pwesto at hindi sinibak si dating PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ikinatwiran ng opisyal na iyun rin naman ang gusto ni Balutan para lumitaw ang katotohanan hingil sa mga ulat ng katiwalian sa ahensya.

Sinabi ni Panelo na kabilang dito ang mga ulat na mayroon umanong nagdala ng pera sa tanggapan ni Balutan at ang hindi mamatay-matay na isyu sa sinasabing pagpabor sa ilang grupo para mamahala sa operasyon ng small town lottery sa bansa.

Sa kanyang pahayag ay sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw sa pwesto ang dating opisyal.

Sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin ang pangulo ng ipapalit sa binakanteng posisyon ni Balutan.

TAGS: balutan, duterte, panelo, pcso, resign, balutan, duterte, panelo, pcso, resign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.