Central Bank of Bangladesh kinasuhan ng RCBC

By Den Macaranas March 12, 2019 - 04:22 PM

Inquirer file photo

Kinasuhan ng Rizal Commercial Banking Corporation ang Central Bank of Bangladesh dahil sa kanilang mapanirang mga pahayag kaugnay sa $81-Million cyber heist na nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng RCBC na kanilang inihain ang defamation charges sa hukuman noong March 6 at ito ay tinanggap ni Bangladesh Bank Deputy Governor Abu Hena Mohammad Razee Hasan at iba pang opisyal na nagkataon namang nasa bansa.

Nag-ugat ang kaso makaraang ma-hack at matangay ang $81-Million na pag-aari ng pamahalaan ng Bangladesh na naka-deposito naman sa New York Federal Reserve.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation ay kanilang natunton na pumasok ang nasabing pera sa apat na sangay ng RCBC sa Makati City.

Makalipas ang isinagawang mga imbestigasyon ay sinampahan ng kasong money laundering noong Enero ang dating RCBC Jupiter, Makati City branch manager na si Maia Deguito

Sa kanilang reklamo, sinabi ng RCBC na naglunsad ng mapanirang kampanya ang Central Bank of Bangladesh para mag-extort sa kanila ng pera at sirain ang kanilang pangalan sa banking industry.

Nilinaw rin ng nasabing bangko na wala sa kanila ang hinahanap na Bangladesh money.

Nauna dito ay kinasuhan ng pamahalaan ng Bangladesh sa New York ang RCBC dahil sa nasabing iskandalo.

TAGS: Bangladesh Central Bank, BUsiness, defamation, federal reserve, Maia Deguito, New York, Rizal Commercial Banking Corporation, Bangladesh Central Bank, BUsiness, defamation, federal reserve, Maia Deguito, New York, Rizal Commercial Banking Corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.