DOH nagbabala sa publiko kaugnay sa heat stroke
Nagpa-alala ang Department of Health o D-O-H sa publiko ukol sa heat stroke ngayong panahon ng tag-init.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na iwasang magbabad o ma-expose nang mahabang oras sa sikat ng araw mula alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Ito kasi ang pinakamainit na panahon sa isang buong araw.
Kung mayroong outdoor activities, maaari aniyang maglagay ng sunblock.
Maigi rin aniyang uminom ng walo hanggang labing-dalawang baso ng tubig kada araw.
Ayon sa kagawaran, narito ang mga simtomas ng heat stroke:
– pagkahilo
– sakit ng ulo
– mataas na lagnat
– mabilis na tibok ng puso, at
– mawalan ng malay
Nakararanas ang bansa ng mainit na panahon bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.