6 na magkakaanak patay sa sunog sa Santiago City, Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo March 12, 2019 - 12:52 PM

Patay ang anim na magkakamag-anak sa sunog na naganap sa Santiago City, Isabela, Martes (Mar. 12) ng madaling araw.

Naganap ang sunog sa Paralux Street sa Greenland Phase 1, sa nasabing lungsod.

Ayon kay SFO1 Alberto Timbal, hepe ng investigation section ng Fire Bureau sa Santiago City, kabilang sa nasawi ang mag-asawang sina Love Boligor at Kin James Cabahog kapwa 35 anyos; mga anak nilang sina Raven, 5; at Kisha, 3; ang mga pamangkin ni Kin na sina Zedrick Lloyd Marcelino, 16; at Mark Melbourn Marcelino, 13 anyos.

Electrical wiring ang inisyal na tinitignang sanhi ng pagsiklab ng apoy sa bahay ng pamilya.

Sinikap pa umanong makalabas ng bahay ng mga biktima pero na-trap na sila at na-suffocate.

Alas 4:00 ng madaling araw nang ideklarang fire out ang sunog sa konkretong bahay.

TAGS: 6 killed, fire incident, Radyo Inquirer, Santiago City, 6 killed, fire incident, Radyo Inquirer, Santiago City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.