Liderato ng Kamara dapat makinig kay Pangulong Duterte sa usapin ng 2019 national budget – Sen. Lacson

By Jan Escosio March 12, 2019 - 12:33 PM

Sinabi ni Senator Ping Lacson na dapat ay makaramdam na ang pamunuan ng Mababang Kapulungan sa sinabi ni Pangulong Duterte na hindi nito pipirmahan ang isang ilegal na dokumento.

Aniya ang tinutukoy ng Pangulong Duterte ay ang 2019 national budget, na aniya ay ‘dinoktor’ sa Kamara matapos na itong maratipikahan sa bicameral conference.

Ayon kay Lacson kung talagang sinusuportaha ng pamunuan ang legislative agenda ng Punong Ehekutibo dapat ay itigil na ang ginagawang re-aligment sa naaprubahang pambansang pondo pabor sa kaalyado ni House Speaker Gloria Arroyo.

Pagdidiin ng senador paglabag sa Saligang Batas at prosesong lehislatura ang ginagawa ng ilang miyembro ng Kamara.

TAGS: national budget, Radyo Inquirer, senator lacson, national budget, Radyo Inquirer, senator lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.